Saturday, March 21, 2015

Have A Good Easy Like Sunday AM.Blogging = Kape and Thinking Out Loud Again.

Kahapon pagkagraduate ng anak kong si Sean Koji ng kinder nasa plano  kong tapusin ngayon ang pagupdate sa resume ko na nasa 90% completion na siguro  para makapagapply ulit next week.
Pagkagising ko ng 4am bigla kong naisip para saan yung subject na strength of materials nung college.Parang pandagdag lang sa units and sayang lang sa panahon.Di ko naman nagagamit dahil ECE naman ang course na tinapos ko.Expected ko na maraming di maiintindihan at magugustuhan ang subject na to.



Dahil positibo ako sa buhay at nakaugalian ko na talagang iinspire ang sarili  ko at mga taong nakakasalimuha ko sa pamamagitan ng pagbibigay ng magagandang kahulugan sa mga di napapansin na mga living things,non-living things and events.Matagal kong iniisip kung para saan sya di ko naman sya nagagamit paano sya maapply and mareflect sa buhay ko.Nung college naalala ko si Schaums lang katapat nyan.Then bahala ka na mag reverse engineering solved na ang problema..... assignments at tests. Bibigyan ka ng mga pictures ng beams at pagkatapos magcompute ka ng value ng forces, compression strain, torsion,moment, shear,load and stress.


Pumasok sa isipan ko nung dumami LOAD o yung mga pabigat sa buhay ko  at nasimulang na iSTRESS ako at sa kalaunan nasemi or totally na depress ako.Naappreciate ko na sya after more or less 20 years.Para pala syang HOLY BIBLE ng engineering na mapakinabangan kapag nasa state of distress tayo. Yung BEAM o yung MATERIALS pala na sinasubject sa iba-ibang test ay parang buhay natin.Need natin ng fortitude para maovercome  natin yung binabatong suliranin  sa atin.

Sa aking pananaw parang mali rin yung nagdadasal tayo na huwag tayong bigyan ng mahihirap na suliranin mas maigi na ipagdasal natin bigyan tayo ng STRENGTH para malabanan natin ang mahihirap na darating sa buhay natin.



In the end narealize ko rin na kahit anong kahinaan natin,kahit ilang beses pa tayo bumagsak ,nasira ang mga magagandang pangarap, kailangan nating bumangon at itaas ang karangalan natin.Temporary lang ang mga naexperience nating mabibigat na suliranin. Huwag pabayaang pasukin ng mga matururing na iba-ibang  FORCES na kalaban ng ating buhay na kontrolin ang ating pagisip.Di ka dapat makinig sa mga nanira syo na pilit kang pinapaniwalang mahina ka at walang kwentang nilalang.

Isipin mo na sinungaling sila.

Dahil  may kanya kanyang tayong kahinaan at kalakasan lagi nating isipin ang lahat na laban at takot sa buhay na pinalunan natin  kapag nagdududa  tayo sa ating sarili at pinaghiinan  ng loob.Magsimula lang muli at huwag na huwag susuko.

Nasa hulihan to pero ito ang pinakaimportante,unahin nating  tumawag sa PANGINOON para sa patnubay,bigyan tayo ng lakas at  maliwanag na pagiisip para mapagtagumpayan ang mga binabatong mga hamon sa buhay.Kahit gaano man kahaba ang tulay or daan na ating tinatahak kapag may fortitude tayo at tumawag sa Panginoon  malalampasan din  ang lahat at tuloy ang agos ng buhay.


       








  

Dear Heavenly Father, thank You for Your unconditional love for me. Thank you for approving and accepting me. I ask that You reveal Your love to me today, so I can share it with others. I determined in my heart that no matter what happens, I will keep moving forward with You on the path to victory!